"Wikang Filipino ang siyang sumasalamin sa pagiging isang tunay na Pilipino" Bilang isang mag-aaral, alam ko na biniyayaan tayo ng ating panginoon ng isipan upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon ng sarili. Sa paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filipino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya, at kuro