"Wikang Filipino ang siyang sumasalamin sa pagiging isang tunay na Pilipino"
Bilang isang mag-aaral, alam ko na biniyayaan tayo ng ating panginoon ng isipan upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon ng sarili. Sa paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.
Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filipino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang Pambansa ay gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta.
Maraming iba't-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis ng bansang Pilipino o tinatawag ding varayti ng wika. Sabi ng marami na ang Wikang Ingles ang pangunahing lingguwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan man magpunta sa buong mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng ating Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino, makakaya ring mapaunlad ang sariling bansa kahit ang sariling wika lamang ang ating gamitin. Sabi pa nga ng bayaning Pilipino na si Dr. Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda" kaya pahalagahan ito at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Mahalaga talaga ang Wikang Filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroong sariling wikang maipagmamalaki ang mga Pilipino.
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maipabahagi ang iba't-ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa.
Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining, at pagkabansa ng isang bayan.
Sa araw-araw na gawain ng tao, lumilitaw ang pakikipagtalastasan o pakikipag ugnayan sa kanyang kapwa. Halimbawa, sa loob ng klasrum ang pagpapaliwanag ng guro ng mga leksyon habang nakikinig ang mga estudyante at pagkatapos ay magkaroon ng interaksyon batay sa paksa na kung saan ang guro ay magtatanong at ang mag-aaral at sasagot. Ito'y isang pakikipagtalastasan. Gayundin naman sa lansangan o sa palengke, ang transaksiyon na nagaganap sa mga mamimili o sa mga nagtatanong upang magkaroon ng ugnayan, ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan. Ito ang nagpapatunay na ang pakikipagtalastasan ay isang gawaing pang araw-araw.
Ang mabisang pakikipagtalastasan ay maaring makapagpabago ng isang paninindigan o kilos at maaari ring makahikayat ng paninindigan gaya ng mga kandidatong nagbibitiw ng mga magagandang pangako upang makuha ang panig ng mga tagatanggap ng mensahe. Ito rin at nakatutulong sa pagbuo, pag unlad, pagbabago at paglikha ng maayos at mataas na antas ng ugnayan ng isipan, damdamin at saloobin. Ito ay sining ng pagpapahayag na may kaugnayan sa pagiging malikhain sa paggamit ng wika na may kaayusan at kawastuhan at paglinang sa mga kasanayang pakikinig, pagsulat, pagbasa at pagsasalita. Lahat ng mga ito, samakatuwid at nagpapatunay na ang mabisang pakikipagtalastasan ay proseso ng paghatid ng kaalaman, ideya o mensahe kung saan ang tagapakinig ay lubos na nakauunawa sa kahulugang nais ipahatid ng lubos na nakauunawa sa kahulugan ng nais ipahatid ng nakikipagtalastasan.
Ang pagsalita ay ginagawa upang maipahayag ang mga ideya at kaisipan sa kapwa sa iba't-ibang kadahilanan, maaaring nagsasalita o nagsusulat upang maiparating ang mahalagang impormasyon at mensaheng nais nating ibahagi upang hindi magsisi ang mga tagapagpahayag kung sakaling hindi natin naiparating gamit ang nag-iisang wikang pambansa ang Wikang Filipino na siyang sumasalamin sa pagiging isang tunay na Pilipino.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento